Daang Batasan–San Mateo
Ang Daang Batasan–San Mateo, na dating tinawag na Daang Konstitusyonal, ay isang lansangang apat ang mga linya na matatagpuan sa mga lungsod ng Lungsod Quezon at San Mateo, Rizal sa Pilipinas. Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa Daang Batasan sa Batasan Hills sa kanluran katabi ng Batasang Pambansa na siyang tahanan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Pagkaraan, dadaan ito pasilangan sa mga pook ng Subdibisyon ng Sunnyside Heights at Subdibisyon ng Filinvest II na kinabibilangan din ng Northview I at II. Tatawid ito sa Tulay ng Batasan-San Mateo sa ibabaw ng Ilog Marikina, at pagkatapos ay dadaan ito sa Felicidad Village sa San Mateo, Rizal. Tatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Heneral Luna na siyang pangunahing lansangan ng bayan ng San Mateo.